^

Bansa

Seniors at juniors sa AFP maiimpluwensyahan vs Erap

-
Pinangangambahang maiimpluwensyahan ni dating Defense Secretary Fortunato Abat ang mga senior, junior at iba pang enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines para mag-aklas laban sa administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada.

Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Associations of Generals and Flag Officers President at ret. Brig. Gen. Jaime Echevarria na nagsabing, bagaman solido ang hanay ng AFP, hindi maiaalis na makakuha ng simpatya si Abat bunga ng panunungkulan nito bilang dating commanding general ng Philippine Army noong 1976-1981.

Pero pinabulaanan ni Echevarria ang ulat na kabilang ang kanilang grupo sa humihiling sa pagbibitiw ng Pangulo sa puwesto. Idiniin niya na tapat ang kanilang asosasyon sa Konstitusyon.

Sa isang panayam sa Malacañang, sinabihan ng Pangulo ang mga retiradong heneral na nananawagan sa kanyang pagbibitiw na manahimik dahil retirado na sila at makakabuting bigyang-daan ang mga aktibo pa sa militar. (Ulat nina Joy Cantos at Ely Saludar)

ABAT

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASSOCIATIONS OF GENERALS AND FLAG OFFICERS PRESIDENT

DEFENSE SECRETARY FORTUNATO ABAT

ELY SALUDAR

JAIME ECHEVARRIA

JOY CANTOS

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with