Ginawa ni Lacson ang pahayag kasunod ng paglitaw ng isang babaeng Chinese na ahente umano ng Hong Kong Police at ng buwag nang Presidential Anti-Crime Commission at nagtatago sa alyas na Mata Hari o Rosebud na nagdadawit sa kanya at kay Pangulong Joseph Estrada sa droga umano at ibang krimen.
Sinabi ni Lacson na walang dudang sina Berroya, Bibit at Garcia ang promotor ng naturang demolition job.
"Hindi na ako nagugulat kapag may lumalabas na ganito (biglang paglitaw ng mga umanoy testigo) kasi uso ito magagawa ito ng mga taong nasa likod nito," sabi pa ni Lacson.
Isa namang mataas na opisyal ng Department of Justice na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabing hindi tatanggapin ng korte ang sino mang testigo na ayaw lumantad sa publiko at sa paglilitis.
Sinabi ng opisyal na hindi dapat magtago ang naturang testigo kahit gaano kadelikado ang ibinunyag nito.
Ginawa ng babae ang akusasyon sa panayam ng weekend news ng ABS-CBN kamakalawa ng gabi. (Ulat nina Joy Cantos at Grace Amargo)