^

Bansa

3 ex-PNP officials binira ni Lacson

-
Sinabi kahapon ni Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson sa isang pulong-balitaan sa Camp Crame na ang mga dating opisyal ng PNP na sina ex-Cols. Billy Bibit, Reynaldo Berroya at Rodolfo Garcia ang may utak ng demolition job o planong sirain ang imahen ng pambansang pulisya at ng administrasyong Estrada.

Ginawa ni Lacson ang pahayag kasunod ng paglitaw ng isang babaeng Chinese na ahente umano ng Hong Kong Police at ng buwag nang Presidential Anti-Crime Commission at nagtatago sa alyas na Mata Hari o Rosebud na nagdadawit sa kanya at kay Pangulong Joseph Estrada sa droga umano at ibang krimen.

Sinabi ni Lacson na walang dudang sina Berroya, Bibit at Garcia ang promotor ng naturang demolition job.

"Hindi na ako nagugulat kapag may lumalabas na ganito (biglang paglitaw ng mga umano’y testigo) kasi uso ito magagawa ito ng mga taong nasa likod nito," sabi pa ni Lacson.

Isa namang mataas na opisyal ng Department of Justice na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabing hindi tatanggapin ng korte ang sino mang testigo na ayaw lumantad sa publiko at sa paglilitis.

Sinabi ng opisyal na hindi dapat magtago ang naturang testigo kahit gaano kadelikado ang ibinunyag nito.

Ginawa ng babae ang akusasyon sa panayam ng weekend news ng ABS-CBN kamakalawa ng gabi. (Ulat nina Joy Cantos at Grace Amargo)

BILLY BIBIT

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF JUSTICE

GINAWA

GRACE AMARGO

HONG KONG POLICE

JOY CANTOS

LACSON

MATA HARI

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with