OFW dollar di-madamang pumapasok sa bansa

Inamin kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi pa lubos na maramdaman ang pagpasok sa bansa ng mga dolyar mula sa mga overseas Filipino worker.

Idinahilan ni BSP Director Diwa Gunigundo ang pag-ipit o hindi pagpapakawala ng mga OFW sa kinita nilang dolyar dahil umaasa silang lalo pa itong lalaki sa higit pang pagbagsak ng halaga ng piso. Lalo anyang nagpapalala sa sitwasyon ang pag-ipit ng ilang negosyante sa hawak nilang mga dolyar.

Sinabi ng BSP na sumasabay sa pagbagsak ng piso ang pag-iipit sa dolyar. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments