^

Bansa

Plunder laban sa Pangulo isinampa sa Ombudsman

-
Iniharap kahapon ng Volunteer Against Crime and Corruption sa Ombudsman ang kasong plunder o paglulustay ng salapi laban kay Pangulong Joseph Estrada dahil sa umano’y pagtanggap niya ng P400 milyon mula sa suhol ng jueteng lords at ng P130 milyong kickback mula sa tobacco excise tax.

Kasama ni VACC Chairman Dante Jimenez sa pagsasampa ng kaso si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na tatayong testigo.

Sinabi naman ni Overall Deputy Ombudsman Margarito Gervacio na pag-aaralan nila ang naturang kaso para hindi malabag ang karapatan ng Pangulo sa criminal immunity.

Posibleng mapatawan ng parusang bitay si Estrada kapag napatunayang nagkasala. Binalewala ng Malacañang ang demanda.

Sinabi ni Press Secretary Ricardo Puno na may immunity ang Pangulo at hindi ito maaaring sampahan ng kasong kriminal hangga’t nasa puwesto ito. (Ulat nina Grace R. Amargo at Ely Saludar)

CHAIRMAN DANTE JIMENEZ

ELY SALUDAR

GRACE R

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

OVERALL DEPUTY OMBUDSMAN MARGARITO GERVACIO

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESS SECRETARY RICARDO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with