^

Bansa

Militar sa welgang bayan kinumpirma ng Malacañang

-
Kinumpirma ng Malacañang na nagpakalat ito ng mga kagawad ng militar kasama ng PNP kaugnay ng welgang bayan.

Sinabi ni Press Secretary Dong Puno na ito ay bilang pagtugon lang sa mga natanggap na ulat na kaguluhan at pagdiskaril sa gobyerno ng mga lalahok sa welgang bayan.

Ayon kay Puno, ito ay normal lamang upang mapigilan ang anumang binabalak ng mga maka-Kaliwang grupo hinggil sa posibleng pananabotahe.

Nauna rito, napaulat na susugurin at palilibutan ng mga welgista ang Malacañang.

Samantala, tiniyak ng Malacañang na walang epekto ang welgang bayan kay Pangulong Joseph Estrada sa panawagang magbitiw na sa tungkulin.

Sinabi ni Press Secretary Dong Puno na magbabago ang desisyon ng Pangulo na huwag mag-resign at sa halip ay harapin ang impeachment case na isinampa na sa Senado. (Ulat ni Ely Saludar)

AYON

ELY SALUDAR

KALIWANG

KINUMPIRMA

MALACA

NAUNA

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESS SECRETARY DONG PUNO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with