P200-milyon inamin ni Erap
November 10, 2000 | 12:00am
Inamin kahapon ni Pangulong Joseph Estrada na totoo ang 200 milyong piso na sinasabi ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na ibinigay kay Atty. Ed Serapio. Ayon sa Pangulo ito ay nakalagak ngayon sa bangko sa pangalan ng muslim youth scholarship foundation na si Serapio ang nagsisilbing corporate secretary.
Sinabi ni Pangulong Estrada na sa kasalukuyan ay kahit isang sentimo ay walang bawas ang nasabing halaga at ito umano ang gagamiting ebidensiya kaugnay sa kasong impeachment na kinakaharap nito. Kung si Pangulong Estrada ang masusunod ay nais nitong patirahin sa Malacañang ang kanyang dating kaibigan na si Singson.
Ito ang tugon ng Pangulo sa mga umanoy banta sa buhay ni Chavit matapos na ibunyag ang eskandalo sa jueteng na nagdawit kay Pangulong Estrada.
Ayon sa Pangulo, nais niyang matiyak ang kaligtasan ni Singson dahil kung may masamang mangyayari sa gobernador ay sa kanya ito ibibintang.
"Kung maaari, dito na lamang sa Palasyo siya tumira para siguradong buhay siya. Ayaw kong may mangyari sa kanya sapagkat siguradong tayo ang pagbibintangan niya," pahayag ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended