Villar, Drilon patatalsikin
November 8, 2000 | 12:00am
Sisimulan na ng mga mambabatas na kaanib ni Pangulong Joseph Estrada ang pagpapatalsik kay House Speaker Manuel Villar Jr. bilang Speaker ng Kamara de Representante, matapos nitong iwan ang partido at lumagda sa impeachment complaint.
Ayon sa isang source, limanput dalawang kongresista na kasapi ng LAMP ang nagpulong noong Linggo ng gabi upang pag-usapan ang hakbanging pagpapatalsik kay Villar sa puwesto.
Pangungunahan umano ng isang southern Luzon solon ang pagtatangka na mapababa sa puwesto si Villar sa darating na Lunes.
Pinabulaanan naman ni Quezon Rep. Danilo Suarez na siya ang nangunguna sa hakbangin upang mapaalis sa House Speakership si Villar.
Sinabi ni Suarez na napagkasunduan ng mga natitirang miyembro ng LAMP na suportahan ang pagpapabilis ng impeachment proceedings oras na maiharap na ito sa plenary sa darating na Lunes.
Kasunod nito, limang senador umano ang posibleng mag-agawan sa posisyon ng Senate President makaraan ang pagsusulong ni Senador Juan Ponce Enrile ng pagkakaroon ng pagbalasa sa liderato ng Senado.
Ayon kay Enrile, isasampa niya ang mosyon sa Lunes na naglalayong bakantehin na ni Senate President Franklin Drilon ang posisyon upang maging bukas na ito sa mga senador na naghahangad na maging pangulo ng Senado.
Bagamat itinatanggi nina Sen. Blas Ople at Enrile ang hangarin na maging Senate President sinasabi ng ilan na mayroon umanong basbas at suporta mula sa Malacañang. (Ulat nina Marilou Rongalerios at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest