Pinay, 78 pa, todas sa plane crash
November 2, 2000 | 12:00am
Isang Pilipina ang pinangangambahan umanong kasama sa 79 na pasaherong namatay sa pagbagsak ng isang eroplanong Boeing 747 ng Singapore Airlines sa Chiang Kai Shek Airport sa Taiwan kamakalawa ng gabi. May 85 naman ang sugatan na karamihan ay halos nalitson ang katawan.
Nakilala ang Pilipina na si Loida Danner na may hawak na Philippine Passport No. EE-537417 at umuokupa sa seat no. 45-K sa bandang kalagitnaan ng eroplano na napaulat na nahati umano at sumiklab sa pagbagsak sa naturang paliparan.
Nabatid na ipinalabas ng embahada ng Pilipinas sa Singapore ang passport ni Danner.
Sinabi ng kinatawan ng Manila Economic Cultural Office sa Taiwan na si Rod Reyes sa panayam ng radio station dzMM na kabilang si Danner sa listahan ng naunang napaulat na mga nawawalang pasahero ng Flight SQ 006 ng Singapore Airlines makaraang bumagsak ito. Sa pagsusuma, may 15 pa ang hindi matunton.
Iniulat ng REUTERS na 58 pa sa mga sugatang pasahero ang nasa ospital pa rin kahapon ng madaling-araw. Sinasabing 159 pasahero at 20 crew ang lulan ng eroplano nang maganap ang trahedya.
Sinasabi naman ng mga aviation official ng Taiwan na, bagaman umakyat sa 79 ang bilang ng mga nasawi, mahigit naman sa kalahati ng lulan ng eroplano ang nakaligtas.
May 56 pasahero ang nasugatan bagaman 44 ang hindi nasugatan at pinalabas ng ospital makaraang magamot. Gayunman, habang isinusulat ito ay pabago-bago ang mga ulat at pinangangambahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.
Sinabi ni Reyes na maaaring si Danner ay asawa ng isang Amerikano dahil patungo ito sa Los Angeles, California, United States mula sa Singapore bagaman dumaan ito sa Taipei bilang transit point.
Hindi pa makapagbigay ng ibang detalye si Reyes hinggil kay Danner. Hindi rin mabatid ang edad at tirahan o trabaho nito.
Naunang iniulat umano ng flight commander ng eroplano na may nabangga itong isang bagay habang binabagtas ng sasakyan ang runway na binabayo ng malakas na ulan at hangin nang mga oras na iyon.
Sinabi ng Civil Aeronautics Administration na sumiklab at nasunog ang eroplano matapos lumipad mula sa runway. Kasunod nito ang pagbagsak agad ng sasakyan sa lupa.
Kabilang sa mga pasahero ang 55 na nagmula sa Taiwan; 47 mula sa United States; 11 ang Singaporean at Indian; walong Malaysian; limang Indonesian; apat na Mexican; apat sa Britain; tig-dalawa mula sa New Zealand, Thailand at Vietnam; at tig-isa mula sa Australia, Canada, Cambodia, Germany, Japan, Ireland, Canary Islands at Pilipinas. (Ulat nina Lordeth Bonilla, Nestor Etolle at ng REUTERS)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended