Ayon sa Department of Energy, ang kasalukuyang pump price bawat litro ng unleaded gasoline sa bansa ay P18.05 kung ihahambing sa Thailand na P19.14 bawat litro at P28.29 bawat litro sa Cambodia.
Base sa paghahambing na ginawa ng DOE, pinakamataas ang presyo ng unleaded gasoline sa Hongkong na naitala sa halagang P68.74, sa Singapore ang presyo bawat litro ng unleaded gasoline ay P23.89 at P22.17 bawat litro sa Australia.
Sinabi ni DOE na maging sa Estados Unidos na isang bansang may produksiyong langis ang presyo ng unleaded gasoline ay mas mataas nang kaunti kaysa Pilipinas sa halagang P22.61 bawat litro.
Ang presyo ng unleaded gasoline sa Malaysia na mayroong produksiyong langis ay P15.67 bawat litro.
Ang Pilipinas pa rin ang may pinakamababang presyo ng diesel fuel na nagkakahalaga ng P14.23 bawat litro kung ihahambing sa Thailand na ang bawat litro ng diesel fuel ay P17.14 bawat litro.
Pinakamataas ang presyo ng diesel fuel sa Hongkong na naitala sa halagang P40.98 bawat litro kasunod ang Australia sa halagang P22.69 bawat litro, P18.27 bawat litro sa Singapoe at ang Cambodia ay P15.88 bawat litro.
Sa Estados Unidos ang presyo ng diesel fuel ay katumbas ng P21.61 bawat litro, ayon pa sa DOE. (Ulat ni Lilia Tolentino)