^

Bansa

Presyo ng gasolina sa RP pinakamababa sa Asya - DOE

-
Ang presyo ng gasolina sa Pilipinas ang nananatiling pinakamababa sa mga bansa ng Asya na walang produksiyong langis.

Ayon sa Department of Energy, ang kasalukuyang pump price bawa’t litro ng unleaded gasoline sa bansa ay P18.05 kung ihahambing sa Thailand na P19.14 bawa’t litro at P28.29 bawa’t litro sa Cambodia.

Base sa paghahambing na ginawa ng DOE, pinakamataas ang presyo ng unleaded gasoline sa Hongkong na naitala sa halagang P68.74, sa Singapore ang presyo bawa’t litro ng unleaded gasoline ay P23.89 at P22.17 bawa’t litro sa Australia.

Sinabi ni DOE na maging sa Estados Unidos na isang bansang may produksiyong langis ang presyo ng unleaded gasoline ay mas mataas nang kaunti kaysa Pilipinas sa halagang P22.61 bawat litro.

Ang presyo ng unleaded gasoline sa Malaysia na mayroong produksiyong langis ay P15.67 bawa’t litro.

Ang Pilipinas pa rin ang may pinakamababang presyo ng diesel fuel na nagkakahalaga ng P14.23 bawa’t litro kung ihahambing sa Thailand na ang bawa’t litro ng diesel fuel ay P17.14 bawa’t litro.

Pinakamataas ang presyo ng diesel fuel sa Hongkong na naitala sa halagang P40.98 bawa’t litro kasunod ang Australia sa halagang P22.69 bawa’t litro, P18.27 bawa’t litro sa Singapoe at ang Cambodia ay P15.88 bawa’t litro.

Sa Estados Unidos ang presyo ng diesel fuel ay katumbas ng P21.61 bawa’t litro, ayon pa sa DOE. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ANG PILIPINAS

ASYA

BAWA

DEPARTMENT OF ENERGY

ESTADOS UNIDOS

LILIA TOLENTINO

LITRO

PILIPINAS

PRESYO

SA ESTADOS UNIDOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with