Nagbabala si Rodriguez na kakanselahin niya ang residence status, ituturing na iligal at idedeport kapag hindi nagbayad ang naturang mga dayuhang kabilang sa 16,000 iligal na dayuhan na nag-apply ng amnesty sa ilalim ng Alien Social Integration Act of 1995.
Bawat iligal na dayuhan ay pinagbabayad ng tig-P250,000 integration fee para maging legal ang pananatili nila sa Pilipinas. (Ulat ni Jhay Mejias)