Sinabi ni Medalla na maisasagawa ito dahil sa kita sa pagluluwas o export at ang dolyar na ipinapadala sa Pilipinas ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong-dagat na siya umanong magpapalakas sa piso.
"Kapag nakita ng merkado na solido ang posisyong pulitikal ng Presidente, klarong-klaro na ang merkado ay magkakaroon ng positibong reaksyon," sabi pa ni Medalla.
Sinabi pa niya na ang huling dalawang buwan ng bawat taon ang siyang panahon ng pagpasok ng mga dolyar na kinita sa export at ito ang tutulong sa pagpapatatag sa piso. (Ulat ni Lilia Tolentino)