^

Bansa

Piso titining daw

-
Titining na sa matatag na pamantayan ang palitan ng piso laban sa dolyar sa loob ng susunod na dalawang buwan, ayon kay National Economic Development Authority Director-General Felipe Medalla.

Sinabi ni Medalla na maisasagawa ito dahil sa kita sa pagluluwas o export at ang dolyar na ipinapadala sa Pilipinas ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong-dagat na siya umanong magpapalakas sa piso.

"Kapag nakita ng merkado na solido ang posisyong pulitikal ng Presidente, klarong-klaro na ang merkado ay magkakaroon ng positibong reaksyon," sabi pa ni Medalla.

Sinabi pa niya na ang huling dalawang buwan ng bawat taon ang siyang panahon ng pagpasok ng mga dolyar na kinita sa export at ito ang tutulong sa pagpapatatag sa piso. (Ulat ni Lilia Tolentino)

DOLYAR

KAPAG

LILIA TOLENTINO

MEDALLA

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY DIRECTOR-GENERAL FELIPE MEDALLA

PILIPINAS

PILIPINONG

SINABI

TITINING

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with