^

Bansa

4 katao pina-salvage ni PNP Chief Panfilo Lacson ?

-
Apat na tao ang ipinapatay umano ni Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson nang nanunungkulan pa siya sa Military Intelligence Service Group noong dekada ’70.

Ito ang ibinunyag ng isang dating ahente ni Lacson na si Kit Mateo sa isang video tape na pinanood kamakalawa ng gabi ng mga miyembro ng oposisyong Lakas-NUCD-Kampi kabilang na si Vice President Gloria Macapagal-Arroyo. Isang impormante ang nagsabing nagsilbing look-out o driver si Mateo sa mga salvaging na inutos umano ni Lacson. Pumayag si Mateo na makapanayam ng isang commercial television station para malinis ang kanyang kunsiyensiya at humingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima.

Sinabi ni Mateo na inatasan umano ni Lacson ang kanyang mga tauhan na isalvage ang isang dating officer ng Western Police District na si Jimmy Victorino, isang Mr. Villacorta na nobyo ng isang modelo at ang nobyo ng isang babaeng estudyante ng Far Eastern University. Ikinuwento rin ni Mateo kung paanong pinamunuan umano ni Lacson ang pagpatay sa isang walong-taong gulang na batang lalaki na inihagis mula sa isang helicopter.

Ang nabanggit na modelo na nagtatrabaho sa fashion at hair-stylist na si Fanny Serrano ay love interest umano ni Lacson. Ang nobyo naman ng estudyante ay pinapatay naman ng ama ng babae na kaibigan ni Lacson. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

FANNY SERRANO

FAR EASTERN UNIVERSITY

ISANG

JIMMY VICTORINO

KIT MATEO

LACSON

MARILOU RONGALERIOS

MATEO

MILITARY INTELLIGENCE SERVICE GROUP

MR. VILLACORTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with