Ito ang nabatid kahapon kay Roman Polintan, Central Luzon chairman ng Bagong Alyansang Makabayan, na nagsabi pa na lalahok din sa martsang tinaguriang "Lakbayan ng Magsasaka at Mamamayan Laban sa Kahirapan" ang iba’t ibang sektor mula sa Southern Tagalog. Magsisimula anya ang martsa ng mga taga-Central Luzon sa San Fernando, Pampanga.
Sinabi ni Polintan na inaasahan nilang darating sila sa Don Chino Roces bridge sa harap ng Malacañang sa Oktubre 20.
Sinabi pa niya na ang iskandalo sa jueteng ang lalong nagpalakas sa panawagan ng iba’t ibang sektor na tanggalin na sa puwesto si Estrada. (Ulat ni Ding Cervantes)