^

Bansa

10,000 magmamartsa sa Malacañang

-
SAN FERNANDO, Pampanga - Sisimulan ngayon ng may 10,000 magsasaka at ibang militanteng grupo ang limang araw na pagmamartsa mula sa Central Luzon patungo sa Maynila para magdemonstrasyon sa harap ng Malacañang at kondenahin ang mga patakaran at programa ng administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada.

Ito ang nabatid kahapon kay Roman Polintan, Central Luzon chairman ng Bagong Alyansang Makabayan, na nagsabi pa na lalahok din sa martsang tinaguriang "Lakbayan ng Magsasaka at Mamamayan Laban sa Kahirapan" ang iba’t ibang sektor mula sa Southern Tagalog. Magsisimula anya ang martsa ng mga taga-Central Luzon sa San Fernando, Pampanga.

Sinabi ni Polintan na inaasahan nilang darating sila sa Don Chino Roces bridge sa harap ng Malacañang sa Oktubre 20.

Sinabi pa niya na ang iskandalo sa jueteng ang lalong nagpalakas sa panawagan ng iba’t ibang sektor na tanggalin na sa puwesto si Estrada. (Ulat ni Ding Cervantes)

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

CENTRAL LUZON

DING CERVANTES

DON CHINO ROCES

MALACA

MAMAMAYAN LABAN

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with