^

Bansa

Guro na nagtuturo ng subersibong kaalaman minamatyagan ng DECS

-
Pinababantayan ngayon sa Department of Education, Culture and Sports (DECS) ang ilang pinaghihinalaang militanteng guro na posibleng ginagamit ang kanilang impluwensya sa kanilang mga mag-aaral, partikular na sa lungsod ng Maynila.

Ito ay kaugnay sa pinadalang liham ng isang magulang at mag-aaral sa tanggapan ni DECS Secretary Bro. Andrew Gonzalez na nagrereklamo laban sa isang guro sa Calderon High School na umano’y nagtuturo ng mga subersibong kaalaman sa kanyang mga mag-aaral.

Sa liham na ipinadala ni Juan Paolo Salazar sa DECS, inireklamo niya si Benjamin Valbuena, guro ng Practical Arts sa Calderon High School na umano’y bine-brainwash sila ng kanilang guro.

Ayon kay Salazar, umano’y estudyante ni Valbuena sa Calderon, mas marami umanong oras si Valbuena na ihinga ang kanyang mga hinaing sa pamahalaan at sa mga katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kaysa magturo.

Nangangamba si Salazar na mula sa mga nasabing pagtuturo ng aktibismo sa mga estudyante ay umusbong ang isang Luis Jalandoni at Jose Maria Sison.

Sa liham naman ng isang Mrs. Lourdes Cinco, secretary ng League of Good Governance, inakusahan niya si Valbuena, kasalukuyang direktor din ng Manila Public School Teachers’ Association, na ine-exploit ang kanyang mga anak na umano’y nag-aaral sa Calderon High School sa pagtuturo rito na maging kritikal laban sa pamahalaan.

Partikular na tinukoy ni Cinco ang pag-uwi ng isa niyang anak na may dalang umano’y report card ni Pangulong Estrada na pawang bagsak ang grado.

Ipinagmamalaki pa umano ng mga guro na kaanib ng Alliance of Concerned Teachers na kinaaaniban din ni Valbuena na hindi sila makakanti ng mga matataas na school officials dahil hawak sila ng ilang church organization.

Kaugnay dito ay pinagpapaliwanag na rin ni DECS Undersecretary Ramon Bacani si Valbuena dahil sa mga umano’y teach-ins na ginagawa nito sa kanyang mga klase. (Ulat ni Andi Garcia)

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

ANDI GARCIA

ANDREW GONZALEZ

BENJAMIN VALBUENA

CALDERON HIGH SCHOOL

CULTURE AND SPORTS

DEPARTMENT OF EDUCATION

JOSE MARIA SISON

VALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with