^

Bansa

Moratorium sa Bingo 2-Ball hingi ng solon

-
Hiniling kahapon ng oposisyunistang si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. sa Malacañang na magpataw muna ng moratorium o suspendihin ang operasyon ng Bingo 2-Ball hangga’t hindi nalilinawan ang ligalidad ng naturang sugal at ng kontrata ng Philippine Amusement and Gaming Corporation sa presidential friend na si Atong Ang.

Sinabi ni Andaya na dapat magkabisa agad ang moratorium at ihinto ang pagpapalabas ng prangkisa sa Bingo 2- ball na ayon sa mga oposisyon ay hango mula sa jueteng, isang sugal na ipinagbabawal ng Presidential Decree 1602.

Kinondena rin ng mga mambabatas ang komisyong ibinibigay ng Pagcor kay Ang bilang consultant nito sa bagong sugal dahil lumalagpas ito sa 10 percent limit ng gross proceed na itinatadhana ng Charter ng Pagcor.

Sa General Santos City, nanawagan si Senador Juan Flavier sa kagyat na pagbibitiw sa puwesto nina Ang at Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa operasyon ng jueteng.

vuukle comment

ANDAYA

ATONG ANG

CAMARINES SUR REP

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

PAGCOR

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

PRESIDENTIAL DECREE

ROLANDO ANDAYA JR.

SA GENERAL SANTOS CITY

SENADOR JUAN FLAVIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with