^

Metro

Isko, target wakasan ang informal settlements

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na wakasan ang problema sa informal settlements sa lungsod matapos makipagkasundo ang city government sa LandBank para palaguin ang housing fund ng ­Maynila.

Lumagda sina Domagoso at LandBank Vice President at Chief Trust Officer Atty. Mario Sabino Jr. sa kasunduan para sa pag-invest ng humigit-kumulang P50 milyon mula sa Manila Urban Settlements Office (MUSO) Housing Trust Fund.

Layunin ng investment na mapalago ang housing fund at matiyak ang tuluy-tuloy na pondo para sa in-city vertical housing program ng lungsod. Nagmula ang nasabing pondo sa buwanang mandatory contribution ng mga benepisyaryo ng mga in-city vertical housing project.

Sinabi ni Domagoso na mahalaga ang natu­rang investment dahil hindi mula sa buwis ng mga residente ang palalaguing pondo, kundi mula mismo sa kontribusyon ng mga benepisyaryo na ipinagkatiwala sa lungsod.

Ayon sa alkalde, magsisilbi itong simula ng pangmatagalang hakbang upang mapalawak ang in-city vertical ­hou­sing program at makalikom ng karagdagang pondo para sa pagtatayo ng mga bagong pabahay.

Layunin ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng disenteng at ligtas na tahanan ang mas maraming pamil­yang naninirahan sa informal settlements at mga na­ngungupahan, hanggang sa tuluyang mabawasan ang bilang ng mga pamilyang walang sari­ling bahay sa Maynila.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with