^

Probinsiya

P1 milyong reward alok vs killer ng VM candidate

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P1 milyong reward alok vs killer ng VM candidate
Binaril ng anim na beses sa loob mismo ng kanilang bakuran sa Barangay Bukay Pait ang biktimang si Jose Osorio, kandidato sa pagka-vice mayor sa Tantangan, hindi kala­yuan sa Koronadal City na kabisera ng South Cotabato.
Google Maps

COTABATO CITY, Philippines — Nag-alok na ng P1-milyong reward ang isang congressman sa makapagtuturo sa pumatay nitong Lunes sa isang kandidato sa pagka-vice mayor sa Tantangan sa probinsya ng South Cotabato.

Binaril ng anim na beses sa loob mismo ng kanilang bakuran sa Barangay Bukay Pait ang biktimang si Jose Osorio, kandidato sa pagka-vice mayor sa Tantangan, hindi kala­yuan sa Koronadal City na kabisera ng South Cotabato.

Inanunsyo ni South Cotabato Congressman Peter Miguel sa mga himpilan ng radyo sa Koronadal City nitong Martes na handa siyang magbigay ng P1 million na pabuya sa sinumang makatutulong sa mga imbestigador ng Tantangan Municipal Police Station sa pagkilala ng nakapatay kay Osorio, chairman ng Bukay Pait.

Ayon sa mga kakilala at mga kamag-anak, naniniwala silang may kinalaman sa pulitika ang pagpatay kay Osorio dahil wala naman siyang kagalit at naging mabuti siyang barangay chairman ng Bukay Pait.

REWARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with