La Salle, FEU target Final Four spot

De La Salle's Andrei Dungo

MANILA, Philippines — Agawan sa solo No. 3 spot sa team standings ang defending champion De La Salle University at Far Eas­tern University sa kanilang salpukan sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Co­liseum.

Magtutuos ang Green Archers at Tamaraws nga­yong alas-2:30 ng hapon.

Tangan ng La Salle at FEU ang parehong 8-5 kar­ta kung saan ang mana­nalo ay sasampa sa Final Four.

Maliban sa puntiryang Final Four seat, magkakaroon din ng tsansa ang mananalo sa Green Archers at Tamaraws na makahablot ng ‘twice-to-beat’ incentive na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng elimination round.

Tiyak na magiging ka­pana-panabik ang labanan ng dalawang koponan dahil pareho silang sasandal sa kanilang two-game winning streak.

Huhugot ng lakas si La Salle head coach Topex Ro­binson kina Jacob Cortez, Luis Pablo, JC Maca­la­lag at Joaquin Tovera pa­ra masikwat ang panalo at manatiling malaki ang tsansa na depensahan ang suot na korona.

Impresibo ang ipinakitang laro ng Taft-base squad matapos nilang pa­nain ang 88-80 panalo kontra University of the Philipines.

Ipaparada naman ni FEU mentor at dating PBA Best Import Sean Chambers sina Jorick Bautista, Jan­rey Pasaol at Aicen Ma­capagal.

Samantala, maghaharap sa ikalawang laro sa alas-5 ng hapon ang UP at National University.

Kasalukuyang magka­salo sa tuktok ang Fighting Maroons at Bulldogs sa mag­katulad na 9-4 baraha. 

Ang mananalo ang mag­bubulsa sa No. 1 seat tangay ang unang ‘twice-to-beat’ bonus sa semis.

Show comments