Blue Eagles tumba sa Green Archers

La Salle's Jacob Cortez (11)
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Tinuldukan ng defen­ding champion De La Salle University ang two-game winning streak ng Ateneo de Manila University matapos ilista ang 83-76 panalo sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament ka­ha­pon sa SM Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Tumikada sina Joaquin Tovera at JC Macalalag ng tig-15 points upang tulu­ngan ang Green Archers na ilista ang 3-2 record at ipa­lasap sa Blue Eagles ang pangalawang talo sa limang salang.

Ipinakita ng La Salle at Ateneo ang kanilang pagi­ging magkaribal sa first half kung saan lumamang ang una, 45-43.

Naging mabalasik ang Blue Eagles sa third quarter at itinarak ang 52-45 abante mula sa tres ni Jared Bahay.

Subalit nakahabol ang Green Archers at inagaw ang 63-62 kalamangan pa­pasok ng fourth quarter.

Nagpatuloy ang mainit na laro ng Taft-based squad sa payoff period upang sikwatin ang panalo.

Sa unang laro, bumalik­was ang National University mula sa kabiguan para ta­lunin ang Adamson University, 85-66.

Tumikada si PJ Palacielo ng 19 points at may 17 markers si Paul Francis­co para sa 3-2 marka ng Bulldogs.

Show comments