^

Banat Opinyon

‘Gobyerno sa loob ng gobyerno’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Banat

(Narcopolitics)

NAKAKABAHALA ang tumataas na bilang ng mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa bilihan at pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa datus ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP – AIDSOTF), 158 elected officials sa kabuuang bilang na 548 ang na­aresto at umamin sa nasabing patagong industriya.

Kinabibilangan ito ng isang provincial board member, tatlong konsehal, isang kandidato sa pagka-alkalde, isang bise-alkalde, 28 barangay chairman at 124 na mga konsehal. Bukod pa ito sa 151 empleyado ng mga lokal na pamahalaan, 63 empleyado ng barangay, 12 guro at 20 katao mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Iisa ang kanilang dahilan, para makakalap at makaipon ng pondong gagamitin sa kampanya sa darating na halalan.

Hindi na ito balita. Matagal nang mayroong umiiral na gobyerno sa loob ng ating gobyerno. Ito ‘yung masalimuot na narcopolitics na ayaw ikunsidera, sabihin at hindi ka­yang maanalisa ng AIDSOTF.

Delikado ang narcopolitics. Ibig sabihin, droga na ang nagpapalakad at nagpapatakbo sa pamahalaan simula sa ehekutibo, hudikatura at lehislatura.

Sa lomolobong estatistika ng mga hinalal at in-appoint sa gobyerno, hindi nakakatiyak ang publiko kung ilan at sino-sinong mga personalidad at maiimpluwensyang tao ang nasa likod nito kung saan ang ilegal nagagawa nilang legal.

Nagagawa nilang paikutin at baluktutin ang batas, at nagagawang bilhin ang sinumang indibidwal o mataas ang posisyon sa gobyerno sa ngalan ng pera at salapi mula sa droga.

Ang nakapagtataka at kapansin-pansin pa lalo na ngayong election period walang pulitikong nagsasalita sa problemang ito. Tikom ang kanilang mga bibig sa pagkalat ng ilegal na droga maliban lang sa isang alkalde sa Davao na may kamay na bakal na si Rudy Duterte.

Kung ano ang naglalaro sa inyong isipan, kayo na ang bahalang bumalanse.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ACIRC

ANG

BUKOD

DAVAO

DELIKADO

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

IBIG

IISA

NBSP

RUDY DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with