^

Dr. Love

Target ang promotion

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Shalina. Totoong hindi madali ang mag-asawa. Nakapagtapos ako ng pag-aaral pero sa ngayon kailangan ko pang mag-aral nang mag-aral para maging mataas ang sahod ko at ma-promote ako sa trabaho. 

Gusto kong ituloy ang Master’s degree ko sa kursong kong BS Psychology. Pero nagkakasabay sabay ang mga dapat kong asikasuhin. Dumaragdag pa ang mga request ng boss ko. Sa bahay naman halos wala na kong time sa asawa at anak ko. Ang mister ko ay mabait at nauunawaan niya ako. Kaya siya na ang sumasalo sa mga hindi ko magawa pero nahihiya rin ako sa kanya. 

Hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ang pag-aaral ko o habang buhay na maliit ang sahod ko?

Shalina

Dear Shalina, 

Maganda na supportive ang asawa mo sa’yo, at sa ganitong panahon, mas mahalaga ang bukas na komunikasyon. Sabihin mo sa kanya ang mga nararamdaman mong guilt o pag-aalala. Mahalaga rin ang teamwork sa pamilya, at tila nagagawa n’yo iyon. Patuloy ninyong pag-usapan ang inyong mga nararamdaman at mga plano para mas mapagaan ang mga responsibilidad.

Tanungin mo ang sarili mo kung ano ang pinaka-importanteng bagay para sa iyo sa kasalukuyan—ang pamilya, ang pag-aaral o ang trabaho? Isaalang-alang ang ibang paraan para mapataas ang sahod o ma-promote sa trabaho. 

Walang tamang o maling desisyon dito—ang mahalaga ay balansehin ang iyong kaligayahan at ang pangangailangan ng iyong pamilya. 

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->