^

Dr. Love

Magtiwala sa sarili

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Jasmine. Isa po akong senior high student. Malaki ang adjustment ko nang ilipat ako sa private school ng parents ko. 

Isa pa naman akong mahiyain at wala akong klasmeyt na magiging ka-close dahil galing sila sa private junior high. Ang tanging nagmalasakit sa akin ay ang bf ko na ngayon. Siya ang nakakaunawa at nagiging lakas ko sa araw-araw sa pagpasok. 

Pero pinalipat siya ng parents niya sa ibang school. Gusto ko sanang sundan siya at sobrang lungkot ko na dahil wala nang magpapalakas ng loob ko. Kaya gusto ko na ring mag-transfer ng school. Pero naaawa naman ako sa parents ko sa gagastusin nila uli kung magta-transfer ako sa kalagitnaan ng semester.

Jasmine

Dear Jasmine,

Hindi madali ang pinagdaraanan mo ngayon. Lahat ng pagbabago, kasama na sa isang bagong environment ay talagang nakaka-stress, lalo na kung mawawala pa ang iyong support system, tulad ng boyfriend mo. Pero tandaan mo rin na kaya mo rin palakasin ang sarili mo at harapin ang mga hamon na ito.

Puwede kang magsimula sa maliliit na bagay, tulad ng pagsali sa mga group activities o pagsimula ng sim-pleng pag-uusap. Subukan mong tingnan pa kung paano ka makakapag-adjust sa bagong school. Alalahanin mo, bawat araw ay oportunidad para matuto at lumakas.

Magtiwala ka sa sarili mo. Malayo pa ang mararating mo, at kaya mong magtagumpay, hindi lang para sa sarili mo, kundi para rin sa mga magulang mo na naniniwala sa kakayahan mo.

DR. LOVE

DR LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->