^

PSN Showbiz

Aga, ni-request si Jodi!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Aga, ni-request si Jodi!
Aga Muhlach at Jodi Sta. Maria

Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa nalalapit na 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa araw ng Pasko at magtatapos sa unang linggo ng Enero 2027.

Magaganda na naman ang line-up ng walong pelikulang kalahok kung saan ay kasama ang entry ng Viva Films, ang 2nd Miracle in Cell No. 7 na pinagbibidahan pa rin nina Aga Muhlach at Xia Vigor at kung saan na kasama si Jodi Sta. Maria as Aga’s love interest. Ito’y mula pa rin sa script ni Mel Mendoza-del Rosario at direksyon ni Nuel Naval, the same team behind the success ng Miracle in Cell No. 7 na isang adaptation ng Korean hit movie of the same title, na naging kalahok at nanguna sa 2019 MMFF.

Kasama rin sa movie ang baguhang si Jansen Magpusao with Joel Torre, Mon Confiado, JC Santos, Soliman Cruz, Jojit Lorenzo at iba pa.

Samantala, marami ang ginulat ni Aga sa kanyang bagong look ngayon. Talagang kinarir niya ang pagpapayat bago nagsimula ang shooting ng pelikula.

Aminado si Aga na siya umano ang nag-request kay Boss Vic del Rosario na lagyan ng love interest ang pelikula at gusto niya na si Jodi, na siya namang nangyari.

Although nagkatrabaho na ang dalawa sa dating sitcom ni Aga sa Kapamilya network, ngayon lamang sila magkakasama sa pelikula. Masaya naman si Jodi na makatrabaho si Aga na isa sa mga wini-wish na makatrabaho ng female leads.

Samantala, marami ang curious ngayon sa magi­ging bakbakan sa takilya ng walong kalahok sa MMFF. Mapanatili pa rin kaya ng 2nd Miracle in Cell No. 7 ang lakas ng puwersa nito sa takilya katulad ng 2019?

Of course ang kasagutan ay mangyayari simula sa Dec. 25, araw ng Pasko.

Ynna, may rebelasyon!

Abangan ngayong Biyernes, Nov. 20, 12:00 noon ang aming eksklusibong panayam sa actress-entrepreneur na si Ynna Asistio sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.

Magkaibigan pa rin kaya sila ng kanyang ex-boyfriend, ang actor na si Mark Herras o totoo ang balitang na-ghosting din siya ng actor at walang formal breakup na nangyari sa kanilang pagitan?

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with