^

Probinsiya

7 huli sa unang araw ng gun ban sa Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
7 huli sa unang araw ng gun ban sa Nueva Ecija
File photo shows various firearms.
STAR/File

CABANATUAN, Nueva Ecija, Philippines — Arestado sa kapulisan ang pitong katao na lumabag sa Omnibus Election Code ng Commission on Elections (COMELEC) gun ban sa pagsisimula nito noong Linggo ng hatinggabi, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon kay P/Col. Ferdinand D. Germino, provincial director ng NEPPO, nagsimula ang simultaneous o sabay-sabay na checkpoint operation sa buong lalawigan ng Nueva Ecija bandang alas-12 ng madaling araw, hudyat ng pagsisimula ng mahigpit na pagpapatupad ng gun ban para sa 2025 midterm elections.

Nabatid na nahuli ang pitong suspek sa magkakahiwalay na checkpoint sa lungsod na ito at sa mga bayan ng San Leonardo, Jaen, Quezon at Talavera.

Inaresto ng mga tauhan ng San Leonardo Police Station ang isang indibidwal at nakum­piska rito ang isang .38 caliber revolver, na may apat na bala.

Nahuli ng Jaen Police Station ang isang indibiduwal at narekober ang isang .9mm pistol na may walong bala.

Samantala, inaresto ng Cabanatuan City Police Station ang tatlong indibidwal at nasamsam sa kanila ang dalawang baril: isang .9mm pistol na may 18 basyo ng bala at isang .40 caliber pistol na may 11 basyo ng bala.

Isang indibidwal ang inaresto ng Quezon Police Station, kasama ang pagkakarekober sa dala nitong .9mm pistol na may kargang anim na bala, at inaresto rin ng Talavera Police Station ang isang indibiduwal at nakumpiska ang isang .38 caliber revolver na may anim na bala, kasabay ng pagkakasamsam ng 0.40 gramo ng shabu rito, na tinatayang nasa Php2,720 ang ha­laga ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB).

Ang mga narekober na baril at iligal na droga ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Mga karampatang parusa ang isinampang kaso ng paglabag sa section 261 ng Omnibus Election Code COMELEC Gun Ban, RA 10591 at RA 9165 ang inihahanda laban sa kanila.

ARESTADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->