^

Probinsiya

Gun ban sa Calabarzon larga na, checkpoints hinigpitan

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Gun ban sa Calabarzon larga na, checkpoints hinigpitan
Mismong sina Cavite PPO director P/Col. Dwight Alegre at Provincial Election Supervisor Atty. Mitzele Veron Morales-Castro ang nanguna sa pagpapatupad ng checkpoints sa pagsisimula ng implementasyon ng gun ban sa may Lancaster, Brgy. Alapan 2-A, Imus City, Cavite kahapon.
Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Magkakatuwang na sinimulan kahapon ng Commission on Elections (Comelec), National Police Commission (Napolcom), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya ng gob­yerno ang pagpapatupad ng gun ban sa Calabarzon region bilang bahagi ng mahigpit na seguridad sa nalalapit na May 2025 elections.

PInaalala ni Atty. Allan Enriquez, Comelec-4a regional director, na ang election period at nationwide gun ban ay sinimulan kahapon ng alas-8 ng umaga na may mas mataas na security protocols na ipinatutupad tulad ng simulta­neous nationwide Comelec checkpoint.

Sinabi ni Enriquez na layunin ng Comelec checkpoint na matiyak ang isang mapayapa, maayos, malinis, ligtas at tapat na halalan at pati na rin maiwasan ang anumang insidente sa rehiyon ng Calabarzon.

Aniya, wala pang ulat ng anumang area of concern o red category sa rehiyon ng Calabarzon.

“As mandated by the law that we are also deputized agent for the agency of the Comelec. Kami ay palaging sumusuporta sa lahat ng mga tagubilin at lahat ng mga patakaran na ipapatupad at isinasaalang-alang na ang PNP ay isa rin sa mga deputized na ahensya bilang supervisor at administrator ng PNP, Kami ay palaging sumusuporta at nakikipag-ugnayan sa Comelec sa tamang imbitasyon ng lahat ng Comelec policy,” ani Napolcom 4A regional director Owen de Luna.

Sinabi ni De Luna, ang checkpoint operations ay isinagawa ng COMELEC, PNP at AFP territorial units, na tinitiyak ang isang nagkakaisa at epektibong diskarte sa seguridad sa halalan.

Binigyang diin naman ni Brig. General Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, ang kanilang kahandaan at pagbabantay sa rehiyon, lalo na sa papalapit na 2025 elections.

Sa Cavite, pinangunahan ni Cavite Provincial Director Police Col. Dwight Alegre at Provincial Election Supervisor Atty. Mitchell Castro ang isinagawang malawakang checkpoints sa lalawigan dakong alas-8 ng umaga sa Lancaster, Brgy Alapan 2- A, Imus City.

Kasama sa malawakang checkpoint and mga grupo ng Cavite Police, Philippine Army, Highway Patrol Group, Cavi­te SWAT Team, Ca­vite Bureau of Fire and Protection, Philippine Coast Guard, Municipal Disaster Risk Reduction and ­Management at K-9 Group.

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->