^

Bansa

UniTeam buo pa rin – Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Buo pa rin ang Uniteam coalition na dinala nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice Pres. Sara Duterte noong 2022 elections.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa kabila ng mga ispikulasyon na nabuwag na ang Uniteam matapos magbitiw bilang miyembro ng Gabinete si VP Sara na ka-tandem ng Pangulo noon.

Ipinaalala ni Marcos na ang PDP Laban na kinaaaniban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naging bahagi ng UniTeam kaya walang nababago sa UniTeam.

Ang magiging malaking pagbabago lamang aniya sa UniTeam ay kung saan papanig ang Bise Presidente matapos nitong umalis sa gabinete.

“Depende lang kung ano position ni Inday Sara pagdating sa election, siya ba ay nasa administrasyon o siya ba ay nasa oposisyon? That will be the only major determinant. But as the parties involved, pareho pa rin ang Uniteam, hindi pa nagbago,” ani Marcos.

Sinabi ng Presidente na pumasok si Sara sa UniTeam bilang miyembro ng Lakas at hindi ng Hugpong ng Pagbabago at hanggang ngayon ay kaalyado pa rin ng UniTeam ang Lakas CMD.

“Na kung mawala sa Uniteam si Inday Sara, ‘yun ang pinakamalaking change kung sakali man,” ani Marcos.

Sa katunayan aniya ay lumalakas ang UniTeam dahil marami ng political party ang nakipag-alyansa bukod sa Lakas at Nationalist People’s Coalition.

Dalawang partido politikal din ang inaasahang madaragdag sa UniTeam sa mga susunod na araw partikular ang NUP o National Unity Party at Nacionalista Party.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with