^

Banat Opinyon

EDITORYAL - Nakakatakot ang ‘monster ship’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nakakatakot ang ‘monster ship’

Noong nakaraang linggo, natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan na sakop ng Masbate ang isang submersible drone na may dalawang metro ang haba at hinihinalang pag-aari ng China base sa nakasaad na pangalan sa katawan nito. Ang drone ay binantayan ng mga mangingisda hanggang kunin ng Philippine Navy sa lugar. Pinuri ng Armed Forces of the Philippines ang ginawa ng mga mangingisda na naging alerto nang makita ang drone. Nananawa­gan­ ang AFP na maging mapagmatyag pa ang mga mangingisda sa mga kahina-hinalang bagay na ma­mamataan sa karagatan.

Ayon sa report, ang submersible drone ay maaaring­ sumasagap ng mga impormasyon lalo’t may malapit na military camp sa Masbate. Sa isang report maaaring tinangay ang drone sa karagatan ng Masbate dahil malapit lang din ito sa West Philippine Sea (WPS). Maari rin daw na ginagamit ang drone para sa pagre-research sa yaman ng karagatan.

Anuman ang pakay ng drone, ang mahalaga­ ay nakuha ito at dapat nang saliksikin ng mga awto­ridad­ ang nilalaman nito. Baka sakaling makatulong para mahayag kung ano ang pakay at nasa karagatan ito ng Pilipinas. Malaking tulong kung makukuha ang impor­masyong taglay ng submersible drone.

Dalawang araw makaraang matagpuan ang drone sa Masbate, namataan naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang China Coast Guard 5901 na tinatawag na “monster ship”. Ang vessel umanong ito ang pinakamalaking barko ng China kaya tinawag na “monster ship”. Limang beses umano itong malaki sa mga barko ng PCG. Ayon sa PCG namataan ito 54 nautical miles ang layo sa Capones Island, Zambales. Ipinadala ng PCG sa lugar ang BRP Cabra, isang helicopter, at PCG Caravan.

Kinabukasan, kinumpirma ng PCG na ang “monster­ ship” ay nasa Lubang, Occidental Mindoro na. Ayon kay PCG Spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, hindi naman nangha-harassed ng mga mangingisdang Pilipino ang “monster ship”.

Nakapagtataka ang pagsulpot ng mga kakatwang bagay sa karagatan ng Pilipinas. Bakit may submer­sible drone na biglang nakita sa karagatan ng Masbate at bakit bigla ring naglayag ang “monster ship”. Hindi kaya naghahanda ang China sa mga gagawin pa nilang pangha-harassed lalo’t umiigting ang tensiyon sa agawan ng teritoryo.

Nagpaplano sila nang mas mabibigat at mapamin­salang kilos sa mga barko ng Pilipinas maliban sa dati nang ginagawang pagbangga, pambobomba ng tubig, pag-laser sa mga miyembro ng PCG at iba pang pa­nanakot at pananakit. Inilabas nila ang “monster ship” para sindakin ang Pilipinas.

CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with