^

PSN Palaro

PH team para sa AVC Cup pinangalanan na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PH team para sa AVC Cup pinangalanan na
La Salle's Angel Canino
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Babanderahan nina UAAP stars Angel Canino ng De La Salle University at Casiey Dongallo ng University of the East ang women’s national team na sasabak sa AVC Challenge Cup.

Pormal nang inanunsiyo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang opisyal na listahan kahapon ilang araw bago magsimula ang liga sa Mayo 22 hanggang 29 sa Rizal Memorial Coliseum.

Patuloy pang nagre­re­kober si Canino matapos magtamo ng injury sa eliminasyon ng UAAP Season 86.

Subalit tiniyak ni Canino na magiging handa ito bago sumapit ang torneo.

“So far, still trying to be 100 percent. I’m trying to recover and go back sa dating ako,” ani Canino.

Masaya si Canino na makapasok ito sa national team tulad ng kaniyang ama na miyembro ng national team sa men’s division noon.

“Yung father ko gusto talaga niya na ma-experience ko yung national team.Kasi very different experience ito kumpara sa paglalaro sa school. Sa national team kasi may pride sa paglalaro para sa Pilipinas,” dagdag ni Canino.

Maliban kina Canino at Dongallo, pasok din sa lineup sina La Salle setter Julia Coronel at middle blocker Thea Gagate gayundin ang ilang PVL standouts kabilang sina Fifi Sharma at Faith Nisperos ng Akari, at sina Dawn Macandili at Vanie Gandler ng Cignal.

Hahataw din sina Sisi Rondina at Cherry Nunag ng Choco Mucho, Eya Laure at Jen Nierva ng Chery Tiggo at si veteran playmaker Jia Morado na naglaro para sa Denso sa Japan V.League.

Nasa Pool A ang Pilipinas kasama ang Chinese-Taipei, India, Iran Australia habang nasa Pool B naman ang Vietnam, Indonesia, Kazakhstan, Singapore at Hong Kong.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
By Abac Cordero | 11 hours ago
11 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with