^

PSN Palaro

Ika-5 sunod na panalo pakay ng Ginebra sa NLEX

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ika-5 sunod na panalo pakay ng Ginebra sa NLEX
Sasagupain ng Gin Kings ang Road Warriors ngayong alas-6:15 ng gabi matapos ang banggaan ng Magnolia Hotshots at TNT Tropang Giga sa alas-3 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang pang-limang sunod na panalo ang hangad ng Barangay Ginebra sa pagsagupa sa NLEX sa pagtiklop ng elimination round ng Season 48 PBA Philippine Cup.

Sasagupain ng Gin Kings ang Road Warriors ngayong alas-6:15 ng gabi matapos ang banggaan ng Magnolia Hotshots at TNT Tropang Giga sa alas-3 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Bitbit ng Ginebra ang 7-3 record tampok ang four-game winning streak habang may 5-5 baraha ang NLEX kasama ang apat na sunod na kamalasan.

Huling biniktima ng Gin Kings ang sibak nang Converge FiberXers (2-9) sa pamamagitan ng 105-93 panalo kung saan nila ipinarada ang bagong hugot na si Dave Murrell.

Umiskor si Murrell, sasalo sa naiwang trabaho ni injured forward Jamie Malonzo, ng tatlong puntos para sa kanyang Ginebra debut.

Kapwa target ng NLEX at TNT ang panalo para makasama sa eight-team quarterfinals cast.

Samantala, winakasan ng Blackwater ang pitong dikit na kamalasan matapos talunin ang Phoenix, 102-83, sa ‘no bearing’ game kahapon sa Ynares Arena sa Pasig City.

Umiskor si Jaydee Tungcab ng 19 points tampok ang limang tres para sa 4-7 baraha ng Bossing.

Bagsak ang Fuel Masters sa ikatlong sunod na kabiguan para sa 4-7 marka.

vuukle comment

SPORTS