‘Manood muli ng mga pelikulang Pinoy’

MANILA, Philippines — Matapos ang pagwawagi ng kapwa Manileño na si Joaquin Domagoso ng acting award sa maraming mga international film festivals, hinikayat ni 3rd District Manila Rep. Joel Chua ang mga Pilipino na manood muli ng pelikula sa teatro man o sa bahay.

Kasabay nito, pinapurihan ni Chua si Domagoso, 21, matapos itong magwagi ng Best Actor sa kaniyang pagganap sa pelikulang “That Boy in the Dark” sa international film festivals sa Canada, Venezuela at Sweden.

Ang pelikulang “That Boy in the Dark” na nagtatampok kay Domagoso ay mapapanood sa mga sinehan sa bansa simula Enero 8, 2023.

Binigyang diin ng solon na matapos ang lockdown dulot ng COVID-19 ay unti-unti na muling nakakabangon ang ekonomiya kaya marapat lamang na tangkilikin ang mga pelikulang Pilipino.

Show comments