^

Police Metro

Mas matinding girian ng Marcos vs Duterte dynasty, nakaamba!

Joy Cantos - Pang-masa
Mas matinding girian ng Marcos vs Duterte dynasty, nakaamba!
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte on January 25, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Mas matindi pang girian at hidwaan sa pagitan ng dinastiya sa pulitika ang nakaamba sa pagitan ng kampo nina Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte matapos na tanggalin ang huli  sa mga opisyal na bumubuo sa National Security Council (NSC) alinsunod sa inisyung Executive Order No. 81 ng Pangulo na isinapubliko nitong Biyernes.

Bukod kay VP Sara, tinanggal na rin sa NSC ang ama nitong si ­dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan binigyang katwiran ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na kailangan ang mag-ama sa NSC dahilan hindi na ng mga ito nagagampanan ang kanilang mga responsibilidad sa NSC.

“Ang pagtanggal kina VP Sara Duterte at da­ting Pangulong Rodrigo Duterte sa National Security Council ay nagpapakita lang na simula pa lang ng taon ay simula na naman ang mas matinding bakbakan ng dalawang nangungunang political dynasties sa bansa,” pahayag ni House Assistant Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Re. France Castro.

Inihayag ni Castro na sigurado umanong mang­ngingitngit ang mag-aamang Duterte dahilan sa pagpapatalsik sa kanilang mag-ama sa mga bumubuo sa NSC sa papa­tindi pang hidwaan ng mga Marcos at ng mga Duterte.

Una nang kinuwestiyon ni VP Sara kung bakit nag-meeting ang NSC nang hindi ipina­alam sa kaniya matapos namang mag-isyu ang una ng death threat laban kay PBBM kung saan ay may kinontak na umano siyang “hired assassin” na itutumba ang Punong Ehekutibo, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung may mangyaring masama sa kaniya.

NSC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with