Moa Complex, magbubukas ng hospital

Ahh magkakaroon na rin pala ng hospital sa SM Mall of Asia (MOA) Complex sa Pasay City. Magkatatuwang itong bubuuin ng SM Prime Holdings, Inc. (SM Prime) at Tzu Chi Foundation Philippines. Ang ospital ay tatawaging Tzu Chi Medical Center (TCMC).
Sa ilalim umano ng partnership na ito, maglalaan ang SM Prime ng lupang may sukat na 10,000 square metters sa kahabaan ng Seaside Boulevard, at magbibigay ng technical assistance para sa design at construction ng pasilidad.
Ang Tzu Chi Foundation Philippines naman ang mangunguna sa pagbuo, pamamahala at operasyon ng ospital.
Inaasahang magkakaroon ito kapasidad na mahigit 400 beds.
Inaasahang magsisimula ang konstruksiyon sa loob ng 12 hanggang 18 buwan, at target na matapos ito sa pagitan ng taong 2030 at 2032. “Healthcare is essential to building communities where people can thrive. Through this partnership with Tzu Chi Foundation Philippines, we are supporting the development of a facility that can serve the healthcare needs of more Filipinos. It also reflects our commitment to creating developments that go beyond business and commerce to contribute meaningfully to the well-being of the communities around them,” sabi ni Jeffrey C. Lim, President of SM Prime.
“Since Tzu Chi’s first medical mission in Baguio City in 1995, Dharma Master Cheng Yen has wished for a Tzu Chi hospital in the Philippines,” dagdag naman ni Tzu Chi Foundation Philippines CEO Henry Yuñez.
Itinatag sa Pilipinas noong 1994, ang Tzu Chi Foundation Philippines ay nagsasagawa ng mga misyong medikal at mga programang pangkalusugan sa buong bansa.
Ang misyong medikal ng foundation ay nagmula sa Taiwan, kung saan nagsimula ito sa isang libreng klinika na naglalayong tugunan ang hamon ng sakit at kahirapan. Kalaunan, lumawak ang kanilang gawain at naging isang komprehensibong network ng pangangalagang pangkalusugan na kinabibilangan ng walong ospital, mga libreng klinika, at mga serbisyong medikal na ibinibigay sa tahanan.
- Latest



















