Transport strike tinapatan ng libreng sakay ng DOTr
MANILA, Philippines — Tinapatan ng Department of Transportation (DOTr) ng libreng sakay ang ikinasang transport strike ng grupong Manibela nitong Lunes, Nobyembre 23.
Nabatid na nagkaloob ang DOTr ng free rides sa mga piling ruta sa Metro Manila para sa commuters na apektado ng transport strike.
Ayon sa DOTr, ang free rides ay available nitong Lunes at Martes, mula 6:00AM hanggang 9:00PM.
“Government assets will provide free rides along the routes of Quiapo to Cubao, Quiapo to Doña Carmen, Commonwealth, Quiapo to Fairview, Taft (Buendia) to Alabang, and Commonwealth to Cubao (via East Avenue/V. Luna), and vice versa,” abiso pa ng DOTr.
Nitong Lunes, umarangkada ang transport strike na ikinasa ng Manibela upang tutulan ang ulat na magkakaroon ng pagpapalit ng liderato sa Land Transportation Office (LTO).
Bukod sa tigil-pasada, nagmartsa rin ang Manibela patungo sa LTO Central Office sa Quezon City at nagdaos ng protesta doon.
- Latest
















