Angeline, may bagong negosyo!

Malayo na nga ang narating ng Star Power grand winner nung 2011 na si Angeline Quinto.
Ang pagkawala ng kanyang adoptive mother ay napunuan nang dumating sa kanyang buhay ang husband na niya ngayong si Nonrev Daquina. Bago sila na-engage at nagpakasal ay meron na silang isang anak, si Sylvio. Isinilang naman ang kanilang second child na si Sylvia nung Aug. 14, 2024.
Although may dalawang anak na ang mister ni Angeline sa pagkabinata, hindi ito naging issue sa kanilang mag-asawa na nagtutulungan ngayon to raise their two kids at maging sa kanilang negosyo.
Sa darating na January 2027 ay magbubukas ang sariling franchise ng mag-asawa ng David’s Salon sa Angeles City, Pampanga branch sa ibang lugar.
Gusto ng mag-asawa na meron silang ibang source of income liban sa pagkanta at pagiging actress ni Angeline.
Katherine, may aaminin!
Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapanayam ang award-winning at comebacking actress na si Katherine Luna para sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.
Inamin ni Katherine na hindi umano niya inisip na magkakaroon ng second wind ang kanyang acting career na naging posible dahil sa longtime partners na Coco Martin at Julia Montes, mga pangunahing bituin ng tumatakbong top-rating and long-running action-drama series, ang Sigabo.
Sina Coco at Katherine ay dalawang beses nagkatrabaho noon na parehong indie movie kung saan sila parehong nagsimula. Ang isa rito ay ang 2005 movie na Masahista na pinamahalaan ni Brillante Mendoza.
Ang pagpapatuloy ng acting career ni Katherine ay pansamantalang nahinto nang ito’y makulong sa loob ng apat na taon dahil sa droga.
Ang buong akala ng aktres ay hindi na siya muling makakabalik sa kanyang karera kung hindi lamang sa tulong ng mag-partner na Coco Martin at Julia Montes.
- Latest



















