‘Pax Silica’ hindi lalagdaan - Marcos
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang aasahang paglagda sa kasunduan sa “Pax Silica” project sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ay sa gitna ng bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos at US President Donald Trump.
Ayon kay Marcos, hindi lalagdaan ang naturang kasunduan sa biyahe ngayon ni Trump.
“No, no, they.. No, not on this trip. We are not covering that on this trip,” ayon kay Marcos.
Sinang-ayunan naman ito ni US ambassador to the Philippines Lee Lipton at sinabing “there is no signing.”
Ang Pax Silica ay isang US-led initiative na naglalayong i-secure ang mga supply chains sa artificial intelligence, semiconductors, critical minerals, at iba pang advanced technologies.
Isa ang Pilipinas na sumali sa naturang inisyatibo noong Abril 2026 bilang ika-13 signatory.
Sa ilalim ng kasunduan, magtatayo ng industrial hub sa Luzon economic corridor sa New Clark City sa Capas, Tarlac para maging AI-focused manufacturing at investment zone.
Nasa Pilipinas si Trump para sa dalawang araw na state visit at para dumalo sa ASEAn US-Special Summit, quad leaders meeting, at bilateral meeting kay Pangulong Marcos.
- Latest















