^

Police Metro

Lending collector todas sa holdap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinilala ang nasawing biktima na si Jingle dela Cerna Pestanas, residente ng Kidapawang City, empleyado at nagsisilbing kolektor ng Ramz Finance Service.

Namatay noon din ang isang collector ng isang financing company habang sugatan ang kasamahan nang sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem na nangholdap sa kanila sa national highway ng Brgy. Kitulaan, Kapalawan, Special Geographic Area (SGA) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Jingle dela Cerna Pestanas, residente ng Kidapawang City, empleyado at kolektor ng Ramz Finance Service Lending Company.

Ang kasamahan nitong tinukoy lamang sa pangalang Jonel, 38-anyos, driver-collector ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa ulat ng SGA, BARMM Police, bago nangyari ang insidente alas-2:00 ng hapon ay magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima galing sa pangongolekta ng pera at tseke sa kanilang mga kliyente nang harangin at pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Si Pestanas ay nasapul ng pamamaril na agad nitong ikinamatay habang si Ronel ay nasugatan.

Isinasailalim na ng mga otoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito kung saan kabilang sa sinisilip na motibo ay robbery/holdup.

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with