^

Metro

Drug den ni-raid ng PDEA: 4 timbog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Drug den ni-raid ng PDEA: 4 timbog
Batay sa ulat, isinagawa ang operasyon dakong alas-9:33 ng gabi sa pangunguna ng PDEA Quezon Provincial Office, katuwang ang PDEA Marinduque Provincial Office at Que­zon Maritime Police Station.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

LUCENA CITY, Philippines —- Apat na kalalakihang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga ang naaresto makaraang buwagin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa isinagawang joint anti-illegal drug operation sa Purok Rainbow, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito kama­kalawa.

Batay sa ulat, isinagawa ang operasyon dakong alas-9:33 ng gabi sa pangunguna ng PDEA Quezon Provincial Office, katuwang ang PDEA Marinduque Provincial Office at Que­zon Maritime Police Station.

Kinilala ang mga naaresto sa kanilang mga alyas na “Jazer,” 42-anyos, na umano’y nagpapatakbo ng nasa­bing drug den; “Jancy,” 35; “Jef,” 39; at “Jennifer,” 46-anyos; pawang residente ng Purok Rainbow, Brgy. Ibabang ­Dupay, Lucena City.

Nakumpiska sa operasyon ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang pitong gramo at tinata­yang nagkakahalaga ng P47,600.

Nahaharap ang apat na suspek sa mga reklamong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with