^

Pang Movies

Carmelle, BINI, hataw sa international stage!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Carmelle, BINI, hataw sa international stage!
Carmelle at BINI
STAR / File

Tatlong international awards ang nasungkit ng ABS-CBN artists na sina Carmelle at BINI, na muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas nitong ­weekend.

Gumawa nga ng kasaysayan si Carmell bilang kauna-unahang kampeon ng Eurovision Song Contest Asia, na ginanap sa Bangkok, Thailand, habang dalawang international awards naman ang napanalunan ng Nation’s Girl Group na BINI sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards at Jupiter Music Awards.  “These victories are a proud moment not just for ABS-CBN, but for the entire country. Carmelle and BINI have shown that Filipino talent can stand alongside the best in the world.

“As ABS-CBN continues to expand its presence in the global entertainment market, we remain committed to creating more opportunities for Filipino artists to showcase their talent and share our music with the world. Their success is a source of great pride for all Filipinos,” sabi ni ABS-CBN Music and Integrated Events head Roxy Liquigan.

Anyway, sobra-sobrang pride nga ang hatid ni Carmelle sa Pilipinas sa pagwawagi niya bilang kauna-unahang champion sa Eurovision Song Contest Asia na ginanap noong Sabado (Nob. 14) sa Bangkok, Thailand.

Napukaw niya ang atensyon ng mga manonood worldwide at nagpabilib sa kanyang galing sa pag-awit ng Sobra-Sobra, pagsayaw at pag-rap.

Nagbigay rin ng tribute ang kanyang performance sa mga iconic na Pinay sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang mga pangalan sa stage.

Nagwagi ang Kapamilya artist laban sa 10 iba pang finalists mula sa Vietnam, Cambodia, Laos, Mongolia, Bhutan, Bangladesh, Thailand, Republic of Korea, Nepal at Malaysia.

Nanguna siya sa boto ng mga hurado at nakakuha ng 93 puntos at nanguna rin sa boto ng mga manonood na nagbigay sa kanya ng 118 puntos, kaya nasungkit niya ang kabuuang 211 puntos at pinangalanang Eurovision Asia 2026 winner.

Nakilala siya bilang Tawag ng Tanghalan: The School Showdown champion sa It’s Showtime noong 2025.

Bago ito, naging 1st runner-up din siya sa The Voice Kids Philippines season 4 at nagwagi ng pitong gold medals mula sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) noong 2019. Siya ang nanalo mula sa 10 contender sa ginawang Philippine Selection Night para sa Eurovision Asia noong ­Agosto.

Nagsilbing selebrasyon ng musika at kultura sa Asya ang kauna-unahang Eurovision Song Contest Asia. Ipinagpapatuloy nito ang legacy ng Eurovision, ang longest-running annual international television music competition na mula sa European Broadcasting Union.

Halimaw na halimaw nga siya sa entablado at talagang napabilib ang mga manonood worldwide kasabay ng kanyang pagte-trending.

International headline rin siya sa BBC, AP, New York Times, Billboard (international) at iba pang malalaking digital publication.

Napanood ang Eurovision Asia sa Pilipinas sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN na nagsilbing broadcast partner nito sa bansa. Nagkaroon din ng espesyal na partisipasyon si Vice Ganda sa pag-anunsyo ng resulta mula sa pagboto ng mga hurado na galing sa Pilipinas pero nagkaroon daw ng isyu ang announcement ni Vice sa boto sa Thailand na 8 points, sa South Korea 10 points at Malaysia ang 12 points.

Pero totoo kayang hindi ipinakita ang Unkabogable Superstar sa Malaysia nang ipinresent ang boto ng Pilipinas?

Ang mga karapatan ng LGBTQ+ sa Malaysia ay mahigpit.

Samantala, doble naman ang saya para sa BINI matapos magwagi sa Favorite Global Music Star category ng 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards. Tinalo ng grupo na kumatawan sa Asya ang iba pang international music stars na sina Taylor Swift, Karol G, Zara Larsson, Olivia Dean, Tyla, at Tame Impala.

Hindi pa rito nagtapos ang tagumpay nila dahil kinilala rin silang Most Influential Southeast Asian Artiste – Female sa 2nd Jupiter Music Awards, na ginanap sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Binubuo ng walong miyembro na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena, patuloy na umaani ng tagumpay ang BINI sa international music scene sa kanilang mga kanta, performances, at world tour.

ABS-CBN

BINI

CARMELLE

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with