Trisha, may anthem sa second choice

MANILA, Philippines — Pagpapahalaga sa sarili ang mensaheng hatid ng bagong kanta ng Kapamilya singer na si Trisha Denise mula sa StarPop na pinamagatang Just In Case.
Umiikot ang pop at R&B song sa karanasan ng isang tao na palaging nagiging backup plan hanggang sa pagpili ng respeto sa sarili kaysa manatili sa sitwasyong wala namang pagpapahalagang ibinabalik.
Si Trisha mismo ang sumulat ng Taglish song, na prinodyus ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo kasama ang supervising producer at StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
Isa sa magagaling na singer-songwriter ng bagong henerasyon si Trisha na nakapaglabas na rin ng maraming proyekto. Inilunsad niya ang Piece of the Puzzle album noong 2021 at ang six-track EP na Simula ng Wakas noon 2023 tampok ang awiting Mas Mabuti Pa. Kasama rin sa mga naging kanta niya ang Mahalaga, na napakinggan sa pelikulang Between Maybes at Bakit Naman Hindi? mula sa Pinoy adaptation ng It’s Okay to Not Be Okay.
Nagsilbing co-writer din siya ng Di Minamadali, kasama sina Thyro Alfaro at Soc Villanueva, na inilunsad niya ngayong taon. Napapanood na rin ang performance video niya ng kanta sa The Playroom ng ABS-CBN Star Music YouTube channel.
Napapakinggan na sa iba’t ibang music streaming platforms ang Just In Case.
- Latest





















