La Salle dumalawa sa UST

CEBU, Philippines — Pinana ng defending champion De La Salle University ang 92-80 panalo kontra University of Sto. Tomas, sa second round ng UAAP Season 89 men’s basketball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.
Sumampa sa solo third place sa team standings ang Green Archers tangan ang 5-4 karta matapos sikwatin ang pangalawang sunod na panalo.
Tumikada si Jan Clement Macalalag ng career-high 28 points para sa La Salle na ipinalasap sa UST ang pang-limang kabiguan sa siyam na laro.
Bahagyang nagparamdam ng lakas ang Green Archers sa first period, 25-19, at kahit sumisingasing sa second quarter ang Growling Tigers ay nanatiling matatag ang Taft-based squad para sa 47-44 halftime lead.
Bumangis ang UST sa third canto at inagaw ang 71-67 bentahe papasok ng fourth period.
Lumamang pa sila sa 73-67 sa 8:10 minuto ng laro, ngunit hindi nasira ang loob ng La Salle at nabawi rin ang bentahe para makuha ang importanteng panalo.
Sa unang laro, kinadena ng University of the Philippines ang pang-limang sunod na panalo matapos paluhurin ang University of the East, 101-70.
Nasolo ng Fighting Maroons ang top spot ng team standings tangan ang 7-2 karta, habang nabaon lalo sa ilalim ang Red Warriors na wala pa ring panalo sa siyam na salang.
Pinamunuan nina Choi Palanca, Sean Franco, at LA Andres ang ratsada ng UP bago naibaba ng UE ang hinahabol sa 11 puntos sa third period.
May 14 points si Veejay Pre para sa Fighting Maroons.
- Latest




















