^

Pang Movies

Darryl Yap, nilaro ang horror!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Darryl Yap, nilaro ang horror!
Darryl Yap
STAR / File

Sumabak sa horror film si Direk Darryl Yap via VHS.

Nakabuo na siya ng reputasyon sa paggawa ng mga pelikulang matapang at kontrobersyal.

Kaya may mga nagtaka kung bakit siya sumabak sa ganu’ng genre.

Kaya tinanong siya kung anyare?

Aniya, parang gusto niyang basagin ang ‘chain.’

At aniya sino ang makapagsasabi kung ito nga ba ay magiging “uncontroversial”? Isang napapanahon at personal na pelikula ito.

“When Viva asked if I had a story for Halloween, my first instinct was to dig through my old one-act plays from years ago. I guess the decision to cross over into horror came partly from Viva asking at just the right time, and partly from a creative itch to try something different,” sabi ni Direk Darryl.

Actually, hindi masasabing uncontroversial ito dahil nga sa naging intriga sa tanong niya sa bida ng pelikula na si Sarah Lahbati na “Annabelle o Barbie?”

Na siyempre ay kinokonek kina Annabelle Rama at Barbie Imperial.

Pero mabilis namang kumalma ang kontrobersiya.

At sa palagay raw niya, ang desisyong sumubok sa genre ng horror ay dahil tamang pagkakataon, at ang kagustuhan niyang subukan ang isang bagay na naiiba.

At nang tanungin kung mas mahirap ba ang tunay na pananakot sa mga tao kaysa sa kontrobersya?

Aminado naman si Direk Darryl na mahilig siyang mang-udyok, sa mga kontrobersya “at tila naging natural na ‘yun akin.

“Ang aking mga ginawang katatakutan ay hindi lang para takutin ang mga tao. Ang layunin nito ay pag-isipin sila, na para sa akin, ay isang mas mahirap na gawin,” aniya sa isang interview.

But anyway, ang VHS ay isang analog device na nagpe-play ng video at audio mula sa magnetic tape cassette.

Pero ang ibig sabihin daw ng VHS movie niya ay Viva Horror Stories.

Nilaro lang daw niya ito.

Ang impression kasi ng marami VHS player nga ito.

DARRYL YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with