Mommy Guard, umangat sa number 3!

Confirmed na may magic talaga sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.
At damang-dama ito sa kanilang reunion project na Mommy Guard!
Bongga, dahil kasalukuyang umaani ng magagandang reviews at reaksyon ang pilot episode nito sa TV5 at ABS-CBN platforms.
At umangat pa ito sa No. 3 spot sa Netflix Philippines Top 10 TV Shows chart!
Sosyal.
Sabagay, maganda ang kuwento nitong Mommy Guard.
Hindi palasak ang kuwento at mahusay ang pagkakadirek ni Roman Perez Jr.
Parang pelikula ang mga anggulo.
Bukod sa walang kupas na chemistry nina Marvin at Jolina, marami ring viewers ang natuwa sa lighthearted storytelling, natural na comedy at relatable na mga karakter. Para sa ilan, refreshing ang isang teleseryeng kayang magbigay ng saya at pahinga mula sa mabibigat na kuwento.
Abangan ang Mommy Guard tuwing Monday to Friday, 2:30 p.m. sa TV5 at ABS-CBN platforms! Available rin ang episodes nito sa Netflix, three days ahead of its television airing.
- Latest



















