^

PSN Palaro

EAC sinorpresa CSB

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
EAC sinorpresa CSB
Tumikada si Joseph Nunag ng team best 17 points, limang rebounds at tatlong steals upang tulu­ngan ang Generals na kalsuhan ang two-game skid at ilista ang 3-5 karta, kasalukuyang inuupuan nila ang No. 4 spot sa Group B sa team standings.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Nagtala ng malaking upset win ang Emilio Aguinaldo College matapos nilang pasukuin ang College of Saint Benilde, 86-78 sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil Centre sa San Juan kahapon.

Tumikada si Joseph Nunag ng team best 17 points, limang rebounds at tatlong steals upang tulu­ngan ang Generals na kalsuhan ang two-game skid at ilista ang 3-5 karta, kasalukuyang inuupuan nila ang No. 4 spot sa Group B sa team standings.

“‘Yong adjustments namin, talagang nagsimula sa depensa. Kinailangan talaga namin dumiin sa depensa para makuha ‘tong panalo,” ani Nunag.

Kinumpleto ni Jude Bagay ang isang and-one play sa natitirang 45.9 segundo upang palobohin sa walo ang lamang ng EAC at selyuhan ang kanilang panalo.

Bumakas sina Wilmar Oftana, Jacob Shanoda at EJ Castillo ng tig-15, 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod para sa EAC habang pito ang tinipa ni Bagay.

Nagparamdam agad ng lakas ang Saint Benilde sa unang dalawang quarters, hinawakan ang anim na puntos na bentahe, 29-23 sa first canto at saka rumatrat sa second period para lumubo sa 16 ang kanilang lamang, 56-40 sa halftime.

Samantala, itinakas ng Letran ang mahirap na pa­nalo matapos nilang sibatin ang Jose Rizal University, 70-66 sa ikalawang laro.

Kinapitan ng Knights ang matikas na laro nina Chad Gammad at Aaron Buensalida sa dikdikang labanan para ilista ang 5-3 karta at hawakan ang tuktok ng Group B ng team standings.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with