Male host-comedian, TH mag-punchline
MAAYOS namang mag-host ang isang kilalang male comedian. Pero mas kilala nga lang siya sa larangan ng komedya.
Eh kapag hosting ang ginagawa, hindi maiwasang mabuwisit ng netizens sa kanya. Pilit kasing isinisingit ang pagiging comedian niya.
Kaya naman kung minsan, may punchline siyang sinasabi bago ang spiels niya. Pero pansin ng netizens, pilit ang pasok ng punchline at madalas na natatawa muna siya bago matawa ang tao, huh!
Sabi ng netizens, puwedeng gawing komedya ang hosting pero dapat eh mas lamang ang husay sa hosting bago magpatawa!
Feeling siguro ng host-comedian eh maraming natatawa sa kanya kapag may hirit na punchlines, huh!
SB19, may VISA at LAWLESS sa Grammy!
NAG-SUBMIT ang P-Pop King, SB19 ng dalawa nilang hit na kanta, ang VISA at LAWLESS, para sa Best Pop/Due performance in consideration for 2027 Grammy Awards ayon sa report online.
Ang international music scene ang target ng SB19 lalo na’t may performances din sila sa international music events gaya ng Lollapalooza at sa isang musicfest sa Japan.
Of course, kahit mahirap mabigyan ng recognition sa Grammys ang ibang lahi, walang masama kung hindi sila manalo, ang mahalaga eh international recognition naman ang gusto nilang makamit.
Maging ang female group na BINI eh nagpadala rin ng kanta nila sa Grammys.
Sharon, nilamig at ginutom sa Senado
NANOOD si Sharon Cuneta sa Senate hearing nitong nakaraang araw. Paglilinaw ni Shawie sa kanyang Facebook page, “Audience only!” Hindi witness! Hahaha!
Kasamang nagpunta sa Senado ang kaibigan ni Sharon na si Lorraine at asawa nitong si Jello.
Ayon sa post ng Megastar, “For the first time since Kiko was elected in 2001 (2002?), I stepped into the Senate halls. Interesting. But it was too cold & I was hungry!@kiko Pangilinan hindi lang Sabado.
“Buong lingo, buong buwan. Buong taon at buong buhay sa‘yong sayo.”
Sa isang video, may caption si Sharon na may eye to eye contact sila ng sweetheart niya, huh!
Sa November, mae-experience ang concert niyang The Mega Experience sa Pasadena, Temecula at Rohnert Park sa California kasama si Bugoy Drilon.
- Latest


















