Bribery case vs VP Duterte, posibleng isampa sa Ombudsman o DOJ - prosec panel

MANILA, Philippines — Bagama’t inilaglag na ng prosecution team ang Article 3 o bribery case, hindi pa rin umano ligtas si Vice President Sara Duterte sa nasabing kaso dahil sa posibleng isampa nila ito sa Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ).
Ito ang inihayag ni House lead prosecutor Atty. Gerville Luistro (Batangas 2nd District) ng matanong sa pagtanggal sa bribery laban kay VP Sara na dapat ay hahawakan ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores ay hindi ito nangangahulugan na hindi na kikilos ang mga awtoridad para sa hiwalay na legal na proseso.
Si Luistro ay kasalukuyan din Chairperson ng House Committee on Justice ay sinabi pang maaring i-refer ng impeachment ang kaso sa korte para naman sa pananagutang kriminal ni VP Sara.
Sa ilalim ng bribery charge ng prosecution panel ay inaakusahan rito si VP Duterte na nanuhol ng pera sa mga DepEd officials kapalit ng pabor noong ito pa ang kasalukuyang Kalihim ng ahensiya.
Kabilang dito ang alegasyon ni dating DepEd Undersecretary Gloria Jumamil-Mercado na nakatanggap siya ng siyam na envelop mula kay VP Sara na nagkakahalaga ng tig-P50,000 bawat isa.
Noong nakalipas na Biyernes ay kinumpirma ng prosecution panel na naghain na sila pormal na manipestasyon sa Senate impeachment court para pormal na iwidraw ang artikulo ng bribery dahilan malakas na aniya ang ebidensya sa iba pang kaso sa Articles of Impeachment .
- Latest
















