^

PSN Opinyon

Log out muna, Minor!

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 2424, o mas kilala bilang SMART KIDS Act (Safe Media Access and Responsible Technology for Kids and Digital Spaces Act) sa botong 16-1.

Ipinagbabawal sa ilalim ng panukalang batas na ito ang sinumang wala pang 18 taong gulang na magrehistro,gumamit,magpanatili, o lumikha ng account sa mga tinaguriang “high-risk digital services” gaya ng Meta at Roblox.

Hindi maitatanggi na ang social media ay naging isang malaking bahagi ng paglaki ng kabataan ngayon.

Ang positibong epekto ay inaasahang bababa ang kaso ng depresyon, pagkabalisa (anxiety), at inggit (FOMO) fear of missing out sa mga kabataan dahil mababawasan ang exposure nila sa unrealistic standards at cyberbullying sa social media.

Mas hihina ang tsansa ng mga masasamang elemento na makapang-groom,mang-scam, o mag-recruit ng mga menor-de-edad sa mga high-risk platforms gaya ng Facebook, TikTok, at Instagram.

Dahil bawas ang screen time sa scrolling, posibleng magkaroon ang mga bata ng mas maraming oras sa pag-aaral, pisikal na aktibidad, sapat na tulog, at personal na pakikipag-usap sa pamilya at mga kaibigan.

Ang ilan naman na negatibo ay maaaring makaramdam ng pagkakahiwalay sa mundo ang kabataan, lalo pa’t ang social media ang pangunahing takbuhan nila ngayon para sa pakikipagkapwa-tao, pagbuo ng komunidad, at pagpapahayag ng sarili.

Maraming mag-aaral ang umaasa sa mga social media groups para sa anunsyo sa paaralan, mga proyektong pang-grupo, at pagsasaliksik. Ang malawakang ban ay maaaring magdulot ng kalituhan sa komunikasyong pang-akademiko.

Ang sinumang lalabag na high-risk digital service ay maaaring patawan ng administratibong multa mula P5 milyon hanggang P20 milyon bawat paglabag.

Pero, marami rin ang nag-aalinlangan sa tunay na kahi­hinatnan ng panukalang ito dahil maaaring pekein ng isang batang edad ng 14 o 15 na maglagay ng ibang kapa­nganakan upang makagawa ng account.

Sabi nga ng ilan, ang pagbabawal ay parang pagtatakip lamang ng sugat sa halip na gamutin ito.

Sa halip na i-ban ang teknolohiya, hindi ba mas mainam na turuan ang kabataan—at pati na rin ang mga ma­gulang—kung paano maging responsable at ligtas sa digital world?

Sa huli, ang isang batas ay papel lamang kung walang katuwang na gabay sa tahanan.

Ang pagprotekta sa mga bata laban sa dilim ng internet ay hindi lamang tungkulin ng Senado o ng mga tech giant; nagsisimula ito sa pakikipag-usap ng mga magulang sa kanilang mga anak tungkol sa tamang paggamit ng oras at teknolohiya.

Ang layunin ay hindi ang tuluyang pagputol ng konek­syon, kundi ang pagtuturo sa kanila kung paano tumayo nang matatag sa mundong puno ng ingay.

SENATE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with